Paslit patay sa outing

By

Nauwi sa trahedya ang dapat sana’y masayang family outing, nang masawi sa pagkalunod ang isa sa miyembro ng pamilya na dumayo pa ng Indang Cavite, mula Dasmariñas City, para mag-swimming kamakalawa ng hapon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Indang Municipal Police Station, nakitang naliligo sa children’s pool ng Villa Filomena Resort, Barangay Kaytambog, Indang Cavite, ang biktimang si Paulo Miguel Collamat y Horcera, 6-anyos ng Brgy. Langkaan 1, Dasmariñas City, Cavite, kasama ang 11-anyos na pinsan nito.

Makalipas ang ilang sandali, dakong 4:45 ng hapon, napansin ng tiyuhin ng biktima na nakalubog ito sa tubig at wala nang malay, nilapatan pa ng CPR (Cardiopulmonary resuscitation) ang biktima kung saan sumuka pa ito nang nalunok na tubig, sa pag-aakalang maisasalba pa ito, ay mabilis na isinugod ng mga kaanak sa MV Santiago Hospital Indang Branch

Ngunit pagsapit doo’y deklarado na itong dead on arrival ng attending Physician na si Dra. Pabilan.


SHARE