Una sa Balita

Paslit nasagasaan ng shuttle bus sa Laguna

By
0 1,214

PATAY ang isang tatlong taong gulang na batang lalaki makaraang masagasaan ng shuttle bus sa National road, Barangay Diezmo, Cabuyao, Laguna kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Christ Jail Malco y Altares, residente ng Sityo Pinagtagpo, Brgy. Diezmo.

Batay sa imbestigasyon ng Cabuyao police, bandang alas-6:30 ng gabi, nakatayo lang sa gilid ng kalsada ang bata nang mahagip ito nang dumaraang shuttle bus na pag-aari ng Elegant Shuttle Service Inc., at minamaneho ni Allan Clarabal.

Nagtamo ng mga grabeng pinsala sa ulo at katawan ang biktima at agad isinugod sa Ospital ng Cabuyao kungsaan ideneklarang itong patay.

Naaresto naman ang driver na ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.