Una sa Balita

Paslit nalunod sa irrigation canal

0 250

PATAY ang isang taong gulang na batang babae matapos malunod sa irrigation canal malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Namnama, Cabatuan, Isabela noong Sabado

Kinilala ng Cabatuan Police Station (CPS) ang biktima na si Angel Faith Sinampaga, ng nasabing barangay.

Ayon sa CPS, sa salaysay ng ina ng bata na si Lara May Sinampaga, iniwan niya ang kanyang anak sa labas ng kanilang bahay na naglalaro upang magpakain ng kanilang baboy.

Sinabi ni Lara, pagkalipas ng mahigit isang oras, bumalik siya sa kinaroroonan ng naglala-rong anak subalit hindi na niya nakita.

Sinabi ng pulis na hinanao ang bata ngunit nakitang nakalutang na sa irrigational canal malapit sa kanilang bahay.

Sinubukang i-revive ang bata ngunit hindi na ito nagawang mailigtas pa. (Allan B­ergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy