Una sa Balita

Paslit nakuryente sa ilalim ng tulay

By
0 390

NASAWI ang isang 8-anyos na batang la­laki makaraang makur­yente sa ilalim ng tulay sa Pagsanjan, Laguna kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Dave Aldrick Jadrales, residente ng Barangay Pinagsanjan.

Batay sa report ng Pagsanjan police, dakong alas-siyete nang umaga nang matagpuan ng isang residente ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa ilalim ng Balanac Bridge, Barangay Poblacion Uno.

Nakahawak pa ito sa live electrical wire kunsaan siya nakuryente

Ayon sa pulisya, posible umanong naglalaro ang bata nang mapahawak ito sa kable ng kur­yente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy