Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paslit nagulungan ng SUV, dedo

0 158

Nasawi ang isang taong gulang na batang babae matapos masagasaan ng isang sport utility vehicle (SUV) na minamaneho ng isang seaman sa Calauag, Quezon Lunes ng hapon.

Kinilala ng Calauag police ang biktima na si Wendy Rose Roldan, nakatira sa Barangay Sabang Uno.

Sa report, aksidenteng nasagasaaan ang paslit ng Mitsubishi Xpander na minamaneho ni Gil Gomez, 53, nang bigla itong tumawid sa harap ng kanilang bahay sa Bonifacio Street kung saan nagulungan pa ang biktima.

Agad itong isinugod sa St Peter General Hospital subalit binawian na buhay habang nasa daan.

Handa namang makipag-ayos ang pamilya ng biktima sa nakasagasang kabarangay. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.