Una sa Balita

Paslit naglaro ng lighter, bahay sunog

0 179

NAABO ang isang bahay matapos masunog d­ahil lamang sa paglalaro ng lighter ng isang bata sa Brgy. Samara, Aringay, La Union noong Linggo nang umaga.

Ayon sa Aringay Fire Station (AFS), naganap ang sunog dakong alas-9:20 nang umaga at tumagal ng hanggang alas-10:05 nang umaga sa bahay ni Conrado Cariño, 66-anyos, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, sinabi ni AFS arson investigator FO3 Gener Dulay, bago maganap ang insident­e, naglalaro umano ng lighter ang isang taong gulang na bata sa may sala hanggang aksidente nitong na-silaban ang kurtina ng bahay.

Ayon kay Dulay, medyo malaki na ang apoy noong makita ng mga kaanak ng bata kung kaya mabilis nilang naitakbo ito palabas ng kanilang tahanan.

Sinabi rin ni Dulay na mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang bahay.

Kabilang sa mga kinain ng apoy ang kanilang mga appliances, damit at mga importanteng kaga-mitan. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy