Una sa Balita

Paslit nabundol ng traysikel sa Cavite, kritikal

By
0 152

Malubhang nasuga­tan ang isang anim na taong gulang na batang lalaki matapos mabangga ng isang pampasaherong tricycle habang mag-isang tumatawid sa kalsada sa Trece Martires City, Cavite.

Ginagamot ang biktima na hindi pina­ngalanan sa Genri Doctor Medical Center.

Sa report ni PO1 Gideon Grijaldo ng Trece Martires City Police Station, dakong alas-sais nang gabi nang naganap ang insidente sa Golden Horizon Road, Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite kung saan tumawid ang biktima sa nasabing lugar.

Binabagtas naman ng suspek na si Erwin Riano, 26-anyos, binata, ng Brgy. Hugo Perez ang kanyang minamanehong traysikel sa nasabing lugar nang biglang tumawid ang bata.

Hindi naman agad nakontrol ng suspek ang manibela ng kanyang tricycle hanggang sa mabundol ang bata. (Gene Adsuara)