Una sa Balita

Paslit ginahasa ng lolo kapalit ng limang piso

0 359

KULUNGAN ang bagsak ng isang 80-anyos na matandang lalaki matapos umanong gahasain ang isang limang-taong batang babae sa San Carlos City, Pangasinan noong Linggo.

Tinago ng pulisya sa pangalang ‘Angel’ ang biktima na residente ng nasabing bayan.

Samantala, ang suspek ay naki-lalang si Aurelio Resuello, kapitbahay ng biktima.

Ayon kay PCMS. Rufina Obra ng San Carlos City Police, nagpaalam umano si Angel sa ina nito para pumunta sa kapitbahay at makipaglaro sa apo ng suspek.

Gayunman, nang nasa bahay na ng suspek si Angel, inutusan umano ni Resuello ang apo upang maligo kaya naiwan ang biktima na nag-iisa.

Dito na sinamantala ng suspek na gahasain ang biktima at pagkatapos ay binigyan pa umano ni Resuello ng limang piso si Angel.

Nalaman ang panggagahasa ng suspek matapos marinig ng ina ng biktima sa mga kalaro nito na ginahasa ang kanyang anak.

Pinabulaanan naman ni Resuello ang paratang at sinabing aksidente lamang na nahipuan niya ang biktima.

Lumabas naman sa pagsusuri sa biktima na positibo itong ginahasa dahil sa sugat sa maselan na bahagi ng katawan.

Nahaharap sa kasong rape at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ang suspek. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy