Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pasko sa Europa

0 167

Maraming salamat sa ating unang letter sender na si Ms Claire Noble ng Madrid, Spain. Gusto niyang i-share sa atin ang Christmas experience niya sa ibang bansa. Para sa kanya, iba pa rin ang Paskong Pinoy!

Ako nga pala si Claire, 22 taong gulang. Sumulat ako para ibahagi ang aking naging karanasan sa mga nakalipas na pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Tatlong taon na rin ang nakalipas simula nang nagpunta ako sa Madrid, España para maging guro. Masaya ang makarating sa ibang bansa at makakita ng mga bagay na hindi karaniwan sa Pilipinas. Siyempre sa simula ay nakakasabik dahil ito ay isang pambihirang pagkakataon na gusto mong sulitin at hinding-hindi mo palalampasin.

Sa mga taong nakalipas, sa Spain ako nagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. Madalas kasama ang mga kaibigan o mga Pinoy na nakilala ko din sa Madrid. Pero sa nakalipas na Pasko at Bagong Taon, naisipan kong magpunta sa iba pang bansa sa Europa dahil na rin may kamag-anak ako na nakatira sa Belgium at para naman maramdaman ko ang spirit of Christmas sa ibang lugar. Sa mga panahon kasi na ito, mas nararamdaman mo na malayo ka sa mga mahal mo sa buhay na nasa Pilipinas kaya makakatulong na mayroon kang kasama na kapamilya o kamag-anak na malapit sa iyo.

Maraming pagkakaiba sa paraan ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa Pilipinas at Europa. May kanya-kanyang tradisyon na inaabangan ng lahat. Parehong naghahanda, nagsasama-sama ang mga pamilya para magsalo sa sa Noche Buena. Siyempre kahit nasa Europa na ako, hindi pa rin mawawala ang kanin na ka-partner ng ulam.

Related Posts

Nakita ko rin sa Europa ang mga naglalakihang Christmas tree at magarbong mga dekorasyon pati mga malalaking gusali ay nilagyan ng pa-ilaw. Pero sa kabila ng nga ito masasabi ko pa rin talaga na iba ang Paskong Pinoy. Iba pa rin pag kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay.

Gayunpaman, naging masaya pa rin ako dahil nakapag-travel ako sa Belgium at pati na rin sa Germany. Marami akong natutunan tungkol sa kultura ng ibang bansa. Natikman ang mga pagkain na sikat dito gaya na lang ng tsokolate, waffles, at fries na talaga namang nakakaadik at paborito ko rin sa Pilipinas.

Pero bukod sa lahat ng ito, nagpapasalamat ako sa aking Tita Floramie at kanyang pamilya sa Belgium na nakasama ko at ipinaramdam sa akin na hindi ako nag-iisa sa panahon ng Kapaskuhan. Iba pa rin ang Paskong Pinoy dahil ramdam ito sa puso.

Maaari kayong mag-share ng inyong hindi makakalimutang trip, happenings at kung ano-anu pang nagpapasaya sa inyo at atin itong ilalathala. Mag-email viel0715_2000@yahoo.com at sundan ang aking mga ganap sa FB at Twitter.

Leave A Reply

Your email address will not be published.