Una sa Balita

Pasko paksiw

By
0 54

Kapag tinapyasan o tinanggalan mo ng budget ang isang kongresista, ang direktang maaapektuhan ay ang kanyang mga nasasa­kupan.

Sa umpisa, ­tila may pagsikil ang liderato ng Kamara sa mga kaanib ng Makabayan bloc, na kinabibilangan ng mga mambabatas na maka-kaliwa.

Pero sa paliwanag ni House Speaker Pantaleon Alvarez, sa kabila na wala namang access ang mga mambabatas na ito sa budget, saan nila kinukuha ang pondo para sa kanilang mga proyekto?

Abante Hiring – IT dep

Suspetsa ni Alvarez ay sa nakokolektang ‘revolutionary tax’ ng mga NPA (New ­People’s Army) mula sa mayayamang may-ari ng lupa o establisim­yento.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), aabot sa halagang P500 mil­yon ang nakokolekta ng NPA na revolutionary tax sa Southern Min­danao lamang.

Kinuwestyon din ni Alvarez ang mga proyekto ni Albay Rep. Edcel Lagman na may kabuuang halaga na P3.8 bilyon sa kanyang distrito.

Dagdag ni Alvarez, ang mga kinaltas na pondo sa budget ng mga kilalang kritiko ng administrasyong Duterte o mga ka­anib ng oposisyon ay inilipat sa libreng edukasyon sa kolehiyo at sa sahod at benepisyo ng mga uniformed government member na nasa frontline ng kampanya ng gobyerno laban sa terorismo at kriminalidad.

***

BALITAWIT

Sa tono ng ‘Sana Ngayong Pasko’ ­(Ariel Rivera)

Pasko pa naman
ngunit walang ­budget..
Kaya ba naging zero
Ay dahil kami ay oppo…

Bakit ba naman?
kailangang tapya­san
Ang tanging hangad ko lang
mga mali ay mapansin..

REFRAIN:
Sana ngayong ­Pasko
ay maalala mo pa rin kami…
Hinahanap-hanap aming parte..

At kahit wala na nga..
Nangangarap at umaasa pa rin kami…
Muling makita mo at ma-konsensya ka
Speaker magpa-Pasko…

(Repeat Refrain)

Lord, Kayo na po ang bahala.