Una sa Balita

‘Pasko Ang Saya’ pinakalat ng YeY

0 817

Kahit mga bata, kayang magpasaya ng kapwa ngayong Kapaskuhan.

Ito ang nais iparating na aral ng YeY, ang pinakaunang local na all-day kids channel sa bansa, sa lahat ng bata sa pagsalubong nito sa Pasko sa pamamagitan ng nakatutuwang kantang “Pasko Ang Saya!”

Isa sa ibig iparating ng “Pasko Ang Saya” ang “Ipa-pass ko ang saya!” Ipinapakita nito ang importansya ng pamamahagi ng kasiyahan ngayong Kapaskuhan sa pamamagitan ng pagkalinga at pagmamahal sa kapwa, sino man sila o kung saan pa man nanggaling, dahil lahat tayo ay may sayang namumutawi sa ating mga puso.

Isa ito sa mahahalagang mensahe na makikita sa lyrics na ito: “Ito ang paborito ko, ang panahon ng Pasko/Dahil lahat tayo magsasalo-salo/Kapag ika’y tumatawa, ako ay nahahawa/Hindi ba ma’t mas nakakatuwa kung lahat tayo ay masaya?”

Sa music video na inilunsad nitong Disyembre 1, nagbahagi ng magandang ehemplo ang Team YeY sa pamamagitan ng pagbabahagi ng saya at kalinga habang nakikipaglaro sa mga kabataan mula sa iba’t ibang estado ng buhay.

Binisita ng Team YeY ang Philippine Children’s Medical Center para mabigyan ng pagkakataon na maranasan ng mga batang pasyente na magkaroon ng isang normal na selebrasyon ng Kapaskuhan at maiparamdam ang diwa nito.

Sa Cubao Elementary School naman inaliw ng Team YeY ang mga mag-aaral, at nagpamalas ng kanilang talento para mas mahimok at maipakita ang importansya ng edukasyon sa bawat bata, habang sa Our Lady of Annunciation Parish naman nakihalubilo at nakipagkuwentuhan ang barkadang YeY sa mga kabataan ng Kids’ Ministry.

At para mas maipasa pa ang saya sa mas madaming kabataan, mapapanood na rin ang lyric video ng “Pasko Ang Saya” sa YeY Facebook at YouTube page para mas masaya ang pag-sing along. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy