Una sa Balita

Pasig traffic enforcer huli sa kotong

0 349

ARESTADO ang isang traffic enforcer nang ireklamo ng dump truck driver na sinita nito at hiningan ng P2,000 para hindi matuloy ang tiket, sa Pasig City kamakalawa.

Nahaharap sa kasong robbery extortion si Apollo Larena, 43-anyos, tauhan ng Pasig City Traffic and Parking Ma­nagement Office.

Ayon sa biktimang si William Mejia, 42, sinita umano siya ng suspek alas-10:30 Sabado nang umaga dahil walang plaka sa likuran ang kanyang minamanehong mini dump truck.

Agad na nag-isyu ng violation receipt si Larena at hinihingan ng lagay para mabalewala ang kanyang paglabag subalit hanggang P500 lamang ang kaya nitong bayaran at nakipagkasundo sa traffic enforcer na babalikan ang tiket at ang kanyang lisensya para tubusin.

Lingid sa kaalaman ng suspek, nagtungo sa pulisya ang biktima at inireklamo si Larena kaya isinagawa ang entrapment operation laban dito.

Nang tanggapin ni Larena ang P2,000, dito na ito dinampot ng mga awtoridad. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy