Una sa Balita

Pasig River rehab commission nilusaw ni Digong

0 460

TULUYANG nilusaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) na nangangasiwa sa paglilinis at pangangalaga sa Pasig River.

Sa inilabas na Executive Order No. 39 ng Malacañang, iniutos ng Pangulo ang ‘disestablishment’ ng komisyon.

Inilipat sa ibang ahensiya ang kapangyarihan ng PRRC partikular ang Manila Bay Task Force para mapakinabangan ang potensiyal ng Pasig River sa aspeto ng transportasyon, turismo at iba pa.

Bago inilabas ang direktiba ay hiniling ng Pangulo sa Kongreso na buwagin na ang PRRC dahil hindi naman umano malinis-linis ang Ilog Pasig.

Inilipat na rin ni Pangulong Duterte sa Department of Environment and Na­tural Resour­ces (DENR) ang pangangasiwa sa rehabilitasyon ng Pasig Ri­ver at tinanggalan ng kapangyarihan ang komisyon.

Ipinagkatiwala na ng Presidente sa DENR ang responsibi­lidad sa implementasyon ng mga batas para sa rehabilitasyon ng Ilog Pasig.
Itinatag ang PRRC sa pama­magitan ng executive order na pirmado ni da­ting Pangulong Joseph Estrada noong Enero 6, 1999 para isalba ang ilog na nag-uugnay sa Laguna de Bay at Manila Bay. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy