Una sa Balita

Pasig nagpiyesta sa butata; Quezon City ginulat, 98-95

By
0 562

SA unang laro ngayong bagong taon, nagpasabog agad ang Pasig City Pirates nang tuldukan ang kanilang five-game losing skid.

Ginulat ng Pirates ang Quezon City Capitals, 98-95, sa pagbabalik-aksiyon ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup Huwebes nang gabi sa Alonte Sports Arena sa Biñan City, Laguna.

Depensa ang isa mga naging susi ng Pirates para maging pabor sa kanilang tropa ang panalo.

Umariba ang depensa ng Pasig at pinoste ang pinakamaraming blocks na nagawa ng isang koponan, 13 blocks ang ginawa nito kontra sa tatlo lamang ng Capitals.

Nanguna sa blockin­g department si Eduardo Doroteo na may pitong blocks, siya rin ang kauna-unahang manlala­ro na nakagawa nito sa dalawang season ng nasabing liga.

Pinangunahan ni Marlon Monte ang Pasig nang irehistro nito ang kanyang career-high na 20 puntos habang umayuda naman ng 14 puntos si Argel Camacho at 13 puntos naman kay dating PBA player Jerwin Gaco.

Bagama’t nanalo ang Pirates, malayo-layo pa ang kailangang takbuhin nito para makasikwat ng puwesto sa playoffs dahil ito pa lang ang ikatlong panalo ng tropa sa 17 laro.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy