Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pascua titimon sa PLDT Hitters

0 50

TAMPOK sa darating na 2022 Premier Volleyball League ang bagong bihis na PLDT squad tampom ang bagong coach na si George Pascua.

Mula sa dating PLDT Home Fibr Power Hitters, pinalitan ng koponan ang kanilang moniker bilang High Speed Hitters papasok sa nalalapit na PVL season.

“We believe that the experiences he gained over his career will make him an excellent chief tactician for our rebuilding squad. We are looking forward to working with Coach George as he leads our team in the coming PVL season,” pahayag mula sa High Speed Hitters.

Si Pascua ay kasalukuyang head coach ng Far Eastern University Lady Tamaraws at assistant coach para sa Philippine women’s national volleyball team, mayroon rin itong tatlong kampeonato sa Philippine Superliga.

Papalitan ni Pascua sa posisyon si veteran mentor Roger Gorayeb na nagsilbi sa koponan ng walong taon. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.