Una sa Balita

Pasay Piskal itinapon sa Mindanao

Sangkot sa NAIA gold smuggling

By
0 1,289

INILIPAT sa Min­danao ang isang prose­cutor ng Pasay City na nasangkot sa gold at je­welry smuggling sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Kasabay ng paglipat kay OIC ­Pasay City Pro­secutor Benjamin Lanto sa Mindanao, itinalaga naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kapalit nito sa puwesto si OIC Prosecutor Dolores Rillera.

Kabilang si Lanto sa tatlong pro­secutor ng Pasay City na pinatawan ng 60-araw na preventive suspension dahil sa “gross neglect of duty, gross incompetence and inefficiency” kaugnay sa insidente ng smuggling sa NAIA Terminal 3 noong Mayo 2018.

Ito’y matapos na ipag-utos ng tatlong prosecutor na palayain ang mag-asawang sina Abraham Mimbalawag at Bang-sa Mimbalawag na nahuli sa tangkang gold at jewelry smuggling gayundin ang NAIA customs ope­rations officer na si Lomontod Macabando na hinihinalang sangkot din sa pagpupuslit, kahit may ebidensiya laban sa mga ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy