Una sa Balita

Pasay derby sisyapol

By
0 223

NAKALINYA muli ang mga bigtime na sagupaan sa “Jerald and Erica 4-Cock Derby” tampok ang may 80 sultada ngayon, Biyernes, May 10 sa Pasay City Cockpit.

Kasali ang mga sultador mula sa San Juan Coliseum, Roligon, La Loma Cockpit, Sta. Monica Cockpit, Elorde Stadium, Las Piñas Coliseum, Laguna, Batangas, Quezon at Rizal, ani  Jerald Picazo na host ng derbi kasama si PCC ope­rations manager Erica Clemente.

Tatanggap ang winners ng cash prize na P400,000 sa derbing inis­ponsoran ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Samantala, inilabas ang motto na, “Pera Mo, Premyo Mo,” sa Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby sa PCC na sisimulan sa July 12, 19, 22 at 26 (set A).

Lahat ng sobrang entry fees (garantisado ang P9 milyon) ay idaragdag sa premyo, ani Nick Crisostomo, presidente ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA). 

Sinimulan ang LBC Cup nitong 2018 kung saan umiskor ng 9-0 (panalo-talo) si Godo Beltran ng Bicol (MPB Mayon) upang mangi­babaw sa higit 900 entries.

Sa detalye: 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 843-1746 at 816-6750.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy