Una sa Balita

Pasay Anniv. derby bitaw sa Biyernes

0 2,340

BITAW sa Pasay City Cockpit, kilalang pinakamalakas na sabungan sa Metro Manila, ang “PCC 33rd Anniversary 4-Cock Derby” sa Biyernes, July 5 na may sigurado ng 100 sultada.

Hawak ni sportsman Joey Dy simula pa nitong 1986 at kasama ngayon si sabong idol Patrick Antonio, ang Pasay Cockpit ay kilala rin sa mga probinsya dahil sa coverage ng Global Cockfights Live (GLC).

Sasali ang malala­king grupong gaya ng National Cockers Alliance (NCA), Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA), Rizal Gamefowl Breeders Association (RGBA), Laguna Gamefowl Bree­ders Association (Lagba) at Pitmasters group sa derbing mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Sa Huwebes, July 4 ang submission ng entries na dapat ay 1.9 kgs. hanggang 2.45 kgs. at hanggang 7 pm lang.

Uumpisahan naman ang 2019 stagfighting season na tatakbo hanggang Disyembre sa PCC sa July 12, 19, 22 at 26 sa “Luzon Breeders Cup 9 -Stag Derby”, may premyong P10M at entry fee na P7,000.

Sa detalye pa kontakin lang ang sinuman kina Erica at Ace sa 0945-4917474, 0939– 4724206, 843-1746 at 816-6750. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy