Una sa Balita

Pasay 9-stag derby ngayon

0 260

IKATLONG grupo ng mga kalahok ang susugod sa Pasay City Cockpit sa pagpapatuloy ng “Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” series ngayon, Biyernes, Aug. 23.

Ang mga semifinalist­ ng set C ngayon ay sasamahan ng mga qualifier mula Texas Cockpit Arena (Rizal) at mga magpapasok ng straight five stags.

Nakapag-ambag na ang Pasay Cockpit at Luzon Gamecock Breeders­ Association (LGBA) ng 16 grand finalists na may 5-0 (panalo-talo) bawat isa.

Sa kabuuan, 42 ang five pointers at 14 ang 4.5 points para sa grand finals sa Aug. 30 hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Inihayag ni LGBA president Nick Crisostomo ang bagong iskedyul ng finalists na may 2, 2.5, 3, 3.5 at 4 points.

Ito ay sa Lunes, Aug. 26 sa PCC kasali ang mga umiskor mula sa Manila Cockers Club, Dragon Cockpit Arena, Ang Bagong Cavite Coliseum at San Carlos Cockpit Arena.

Tuloy ang laban sa Martes, Aug. 27 (qualifiers ng LGBA set A, B at C at LGBA Cocker of the Year). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy