Una sa Balita

Pasay 4-cocker ngayon

By
0 776

BABALIK ang umuusok na mga sagupaan sa Pasay City Cockpit sa pagpapatuloy ng ‘LGBA Wingbanding Team 4-Cock Derby’ ngayon na handog ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Inaasahang muli ang matin­ding mga sultada dahil sa suporta ng mga miyembro ng Luzon Gamecock Breeders Association.

Katatapos lang dumugin ang ‘Building Bridges 6-Bullstag Derby Part 2’ noong Biyernes kung saan tinanghal na individual champs sina Gov. Jayjay Suarez ng Team Quezon 96-Alona Partylist, at Custer Tiu/Irving Santiago ng Tarlac VY sa mga naiposteng 5.5 puntos.

Rumatsada ng tig-limang panalo sina Gerry Escalona ng Team Sagupaan at Edwin Lumbres ng LGBA bago nasilat sa huling laban upang magsisegundo.

Tatlong entry ng Team Black Rooster ang may tiglilimang puntos mula kina Caloy Datu, Eduardo Rubite/Yudi Aranawan, Doc Rey Tambong/Doc Bob Rizon, at Dino Montemar /Eric Calivozo ng EDL Excellence). 

Tinanghal na team champion naman ang Black Rooster.

Sa Abril 15 naman ang bitaw sa PCC din ng Laguna Gamefowl Breeders Association 4-Cock Derby na may 90 hanggang 100 mga sultada ang tinataya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy