Una sa Balita

Pasay 4-cocker larga ngayon

0 194

MGA sikat na sultador ng Laguna, Batangas, Quezon, Rizal at Cavite ang lulusob sa Pasay City Cockpit para sa ‘LAGBA 4-Cock Derby’ ngayon, Lunes.

Suportado ng MGA Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000, ito ang huling paderbi ng PCC sa Abril dahil ang kasunod na  event na ay sa Mayo 3 na, ang ‘JTC Big Event 6-Cock Derby’ ni Jojo Cruz ng National Cockers Alliance.

Ilan sa mga mi­yembro ng Laguna Gamefowl Breeders Association ay sina Sonny Lagon, Pol Estrellado, Jun Cuello, Joey at Buboy delos Santos, Ting Coscoluella, Gov. Eddiebong Plaza, Arman Santos, Mayor Raffy Campos, Edwin Aranez, Muroy Dolorico, Lester Edoc, Alex Alea at Ben Mondragon.

Samantala, si Engr. Hermie Pagtalunan ng Los Manos Gamefarms (Franzopia) ang 2019 Luzon Gamecock Bree­ders Association (LGBA) Cocker of the Year at 5-bullstag solo champion noong Biyernes matapos ang third leg ng LGBA derby series.

Umiskor si Pagtalunan ng 15 panalo sa 19 laban. Kasunod niya sina Jimmy Junsay/Dennis Reyes (Sto. Nino Guadalupe Jared, 14 points) at Custer Tiu/Irving Santiago (Keith Aris Hot City IJI, 13.5 points).

Naghahanda ang LGBA para sa ‘9M Luzon Breeders Cup 9-Stag Derby’ sa July 12 sa PCC din. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy