Una sa Balita

Pasaway sa virus control bibitayin ng China

0 474

UMAABOT sa 86 katao ang namatay sa 2019 Novel Coronavirus sa mainland China noong Biyernes.

Ayon sa National Health Commission ng China, ito na ang pinakamalaking bilang ng namatay sa loob lamang ng isang araw.

Sa bawat araw na lumilipas, pataas din ng pataas ang bilang ng namamatay sa Wuhan virus.

Noong Enero 23, walo ang naitalang namatay pero nang sumunod na araw ay dumoble ito at patuloy ang pag-akyat ng bilang.

Naglabas naman ng bagong regulasyon ang Chinese government laban sa mga pasaway sa pagkontrol ng virus.

Sa joint statement ng NHC, Supreme Court at Supreme Procuratorate and Ministry of Public Security, inilista nila ang pitong uri ng medial-related crimes.

Kabilang sa mapaparusahan ay ang pagtanggi na sumailalim sa pagsusuri at quarantine, pagtanggal ng protective mask at ang pagdura sa medical personnel.

Mapaparusahan din ang mga taong­ humahadlang sa pag-cremate ng mga taong namatay sa nCoV.

Ang mga lalabag sa bagong patakaran ay agarang aarestuhin at posibleng mapatawan ng mabigat ng parusa tulad ng death penalty.

Higit 700 na ang namatay sa China dahil sa coronavirus, habang tinatayang 35,000 namang ang tinamaan ng nasabing virus na isang uri ng acute respiratory disease.

Kabilang sa namatay ay isang 60-anyos na American citizen na binawian ng buhay noong Pebrero 6 sa isang ospital sa Wuhan, China.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More