Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pasaway sa Rizal kakalusin

0 116

Sisimulan na ng Rizal Provincial Police Office ang pagsasagawa ng on three-day simultaneous enforcement of the local ordinance para disiplinahin ang mga pasaway, partikular na ang mga kabataan na gumagala sa lansangan.

Nilinaw ni P/Col. Joseph Arguelles, Rizal police provincial director, kailangang disiplinahin ang mga taga-Rizal partikular na ang mga lumalabag sa ordinansa tulad ng pagkakalat, paninigarilyo, lumalabag sa curfew, pag-iinom sa pampublikong lugar at iba pang paglabag na nakakasira sa imahe ng lalawigan at kailangan nang kalusin ang mga residente para tumino.

Sinabi pa ni Col. Arguelles na tila nakakalimutan na ng mga residente ang pagsunod sa mga simpleng local ordinances kaya kailangang ipaalala muli at hindi kailangang balewalain.

Layunin umano ng Rizal police chief na ipaalam sa tao na parte sila ng pagbabago ng kanilang komunidad. Mahaharap naman sa kasong paglabag sa ordinansa ang mga mahuhuling pasaway katuwang ang municipal ordinances at barangay enforcement. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.