Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pasaway sa quarantine walang lusot

0 280

Kinontra ng abogado ng Malacañang ang pahayag ni Senador Franklin Drilon na hindi na maaaring manghuli ang mga awtoridad sa mga lumabag sa community quarantine dahil expire na ang Bayanihan to Heal as One Act.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na kahit tapos na ang Bayanihan Act, maaari pa ring arestuhin ang mga lalabag sa curfew dahil may ordinansa ang Metro Manila mayors laban sa mga kakalat-kalat sa panahon ng community quarantine.

“Bakit naman hindi, dito sa Metro Manila ang lahat ng siyudad ay mayroong ordinansa sa curfew kaya ang sinomang lalabag ay aarestuhin at uusigin. So kahit wala na ang Bayanihan Act ay puwde ka pa rin arestuhin,” ani Panelo.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.