Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pasaway sa illegal parking sinampulan ng MMDA

0 103

Muling nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa mga sasakyan na ilegal na nakaparada bilang paghahanda sa pagsasara sa Timog-Kamuning flyover sa Quezon City.

Kabilang sa muling sinuyod ng MMDA ang kahabaan ng Samar St. kung saan ay 12 sasakyan ang nahatak at 23 tsuper ang natikitan.

Ayon kay Col. Bong Nebrija, hepe ng MMDA Task Force Special Ope­rations, malaki ang babayaran ng sasakyang nahatak dahil bukod sa ticket ay dapat din nitong bayaran ang towing fee.

“Kapag hinatak namin ‘yan, aside from the P2,000 penalty na unattended illegal parked vehicle, babayaran pa po nila ‘yung towing, from the point of towing to the impounding area, so bibilangin po ‘yan. Kung sasakyan, P1,400 first 4 kilometers at P200 for succeeding two kilometers. Binibilang po ang layo mula sa lugar ng na-tow hanggang impounding area,” paliwanag ni Nebrija. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.