Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pasaway sa face mask, shield walang multa, kulong — DOJ

0 40

PINAYUHAN ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang Inter-Agency Task Force na bigyan lamang ng parusang community service ang mg taong lalabag sa community protocols sa halip na ikalaboso at pagmultahin.

“I also recommended that in the enforcement, the stricter enforcement of the ordinances, that LGUs consider the possibility of imposing na lamang the penalty of community service for those who will continue to violate our ordinances rather than imprison or rather than putting them in jail or fining them, eh kasi talaga ngang mahirap na ang buhay sa ECQ,” paliwanag ng kalihim.

Kaugnay nito, giniit ni Guevarra sa Metro Manila Mayors na rebisahin ang umiiral na ordinansa sa health protocols at seryosong ikunsidera ang pagpataw ng community service.

Ang pahayag ay ginawa ni Guevarra kasunod ng ulat sa General Trias, Cavite na may nasawing ECQ violator matapos patawan ng parusa na 300 rounds ng pumping exercise. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.