Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pasaway sa face mask buking sa ‘damo’

0 110

Bagsak sa kulungan ang isang 31-anyos na lalaki matapos sitahing walang face mask at nang dalhin sa presinto ay nakitaan ng limang gramo ng marijuana, kamakalawa ng gabi sa Barangay Fortune, Marikina City.

Sa nakalap na report mula sa tanggapan ni PBGen. Johnson Almazan, Eastern Police District director, nakilala ang suspek na si Rodolfo Samsona Jr., residente ng nabanggit na lungsod at kabilang sa drug watch list.

Inaresto siya bandang alas-8:45 ng gabi noong Huwebes sa kahabaan ng Sanchez St., Barangay Fortune sa anti-criminality campaign ng mga tauhan ng Substation 7.

Sinita ang suspek dahil walang suot na face mask at dinala sa presinto para papirmahin ng ticket dahil sa paglabag sa health protocol subalit nakitaan ng dalawang sachet ng marijuana sa kamay na umaabot sa halagang P600 at isang glass tube pipe sa bulsa. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.