Una sa Balita

Pasaway na young actress tinalakan ng ina sa shooting

0 827

abante-anything-goes-jun-lalinNag-tantrums pala sa isa sa mga endorsement shoot niya ang young actress na ito na may kilala ring ka-love team na sinasabing boyfriend na nga niya.

Dumating naman daw sa takdang oras si young actress at nagpunta sa tent na assigned sa kanya, pero ang problema, hindi maganda ang mood nito at ayaw raw mag-shoot.

Ang mga kasama naman, in fairness to them, kino-convince si young actress na mag-shoot na para matapos na sila, pero bad mood daw talaga ito.

Ang taga-advertising agency naman, nagsabing kung hindi magsu-shoot si young actress ay wala silang magagawa, pero ipinarating sa kanya na kung mapa-pack-up sila, si young actress ang magbabayad ng lahat-lahat including damages.

Pero dedma pa rin daw si young actress hanggang duma­ting na ang nanay niya para kausapin siya. Tumalak-talak daw si nanay at pinagsabihan si young actress na hindi ito puwedeng hindi mag-shoot dahil hindi niya pinangarap na magbayad sila ng damages.

Mukhang nahimasmasan naman si young actress, kaya after 20 minutes ay bigla itong lumabas sa tent at nagsabing, “I’m ready to take!” at naging maayos naman ang lahat.

Actually, si young actress naman, mabait, pero ang duda ng ibang nasa shoot ay baka ito ‘yung panahon na nagka-problema sila ng kanyang ka-love team na obviously naman ay mahal na mahal niya.

Erwan hindi feeling sikat sa concert ni Anne

Tagumpay ang AnneKulit (Promise Last Na ‘To) concert ni Anne Curtis na ginanap noong Saturday sa Smart Araneta Coliseum. Actually, si Annabelle Rama ang nangulit sa akin na manood ng concert ni Anne.

Last month pa may hawak na tickets si Bisaya at excited talaga siya na manood ng concert ng isa sa hosts ng It’s Showtime.

Close naman talaga sina Bisaya at Anne at aliw ang una sa huli, kaya talagang reserved na ang araw niyang ‘yon para sa concert ng actress/TV host.

Hindi ko tinawag na singer si Anne dahil siya naman mismo ang nagsabi sa kanyang 21st showbiz anniversary concert na gusto lang talaga niyang mag-perform kahit hindi naman talaga siya singer at nakakatuwa nga raw at muli siyang sinuportahan sa kanyang 3rd major concert sa Smart Araneta Coliseum, huh!

In fairness naman to Anne, maganda ang concert niya kahit nga parang nasa MOA Arena ang boses niya kesehodang nasa Smart Araneta Coliseum kami, huh! Hahaha!

Pero ang galing namang sumayaw ni Anne at okey na okey talaga ang concert.

Naaliw nga ako sa Mommy Carmen ni Anne dahil nasa harap ko siya at habang sumasayaw-sayaw si Anne ay sayaw rin siya nang sayaw. Magaling ding sumayaw si Mommy Carmen, huh!

Katabi ni Mommy Carmen si Jasmine Curtis-Smith na sobrang proud sa kanyang Ate Anne!

Siyempre, nandoroon din si Erwan Heu­ssaff na mas piniling umupo sa medyo gilid na part ng row one.

Kasama nga rin pala naming nanood si Ruffa Gutierrez na in fairness, hindi na-late at nasimulan ang concert at nagsabing bongga ang opening number ng AnneKulit, huh!

Gloc-9 pinagkaguluhan sa Taguig

Bumilib ako sa producers ng Barangay 143, ang bagong Filipino animé na blocktimer ng GMA 7 at magpa-pilot telecast na ngayong buwan ng September. Aba, may mga barangay event pa kasi sila.

Noong Saturday, sumama ako sa barangay event nila sa Taguig at bongga ‘yon dahil dinumog si Gloc-9. Si Gloc-9 ang isinama nila sa barangay tour dahil siya pala ang nag-compose at kumanta ng theme song ng Barangay 143.

May mga anak si Gloc-9 na mahilig manood ng mga animé at sobrang excited daw ang mga ito sa Barangay 143.

“Siyempre proud sila na ako ‘yung nag-compose at kumanta ng theme song ng Barangay 143,” sey ni Gloc-9.

Madalas ko nga palang makasabay noon sa Greenhills si Gloc-9 at ang sabi niya, mahilig daw kasi siyang pumunta roon at bumibili ng animé figures, pero tinigil na rin daw niya dahil masyado siyang napapagastos.