Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pasaway na rider sinuko ni esmi sa pulis

0 144

Hindi nagdalawang isip ang isang ginang na isuko sa mga awtoridad ang kanyang mister na umeskapo sa isang checkpoint sa Malabon City.

Alas-otso ng gabi kamakalawa nang sinamahan ni Lita ang asawang si Eduardo Dela Cruz, 42, ng Brgy. Dampalit, para magpatulong na madala ito sa presinto upang humingi ng tawad sa mga pulis na humabol sa huli. Bago ito, tinakasan umano ng mister na sakay ng motorsiklo ang Oplan Sita ng pulisya.

Dahilan ng mister, bukod sa wala siyang suot na helmet, walang plate number, wala rin siyang dalang lisensya. Kaya naman nang senyasan siya ng pulis para huminto ay pinasibad niya ang motorsiklo para tumakas. Nang sumemplang, pinili rin ni Dela Cruz na iwan ang motor at tumuloy sa kanilang bahay saka sinabi sa asawa ang nangyari.

Nakuha ng mga awtoridad ang motorsiklo ni Dela Cruz, at bineberipika kukng may criminal record ito. Posible rin umano siyang makasuhan dahil sa hindi paghinto sa checkpoing. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.