Una sa Balita

Pasaway na celeb endorser namumuro sa negosyante

By
0 42

Posibleng kasuhan ng mabait na may-ari ng isang apparel ang kanilang celebrity endorser na lumabag sa kanilang kontrata.

Bilang ambassador ng kanilang produkto, inaasahan nila na ito ang ipo-promote nito na sa totoo ay ginagawa naman talaga ng kanilang endorser. Sa totoo nga, ni-renew pa nila ito dahil sa laking tiwala nila sa kakayahan nito na paangatin ang kanilang negosyo.

‘Yun nga lang, nalokah raw ang may-ari ng apparel na ‘yun nang makita nila sa isang Instagram post na iba ang suot nitong damit na parang walang kontratang pinirmahan.

Hindi lang ito, huh! Nakita rin ito na suot ang ibang brand sa isang TV show na talagang ikinalungkot at ikinagalit ng may-ari. Pinagpaliwanag ng may-ari ang staff nila na naka-assign at nakatutok sa celebrity na ‘yun kung bakit nakalusot ang ganitong kadema-demandang pangyayari.

Wala na ang post na unang kasalanan ng endorser pero na-screen shot na ito ng may-ari pati ang TV guesting nito na ka­labang brand nga ang suot.

Hindi pa alam ng staff kung ano ang gagawin nila rito. Kasuhan na kaya?

Marami ang nakakapansin na mga bata ang ginagawang lucky charm nina Vice Ganda at Coco Martin para sa ikatatagumpay ng kani-kanilang pelikula sa darating na MMFF 2017.

Kapansin-pansin na sa mga ikot ni Coco para i-promote ang kanyang kauna-unahang directorial job na siya rin ang bida na Ang Panday ay karga-karga niya ang batang si Ricky Boy na kung hindi mo kilala ay mapagkakamalang anak ng Kapamilya Primetime King.

At siyempre, hindi rin pakakabog ang The Unkabogable Star dahil sa mga promotional activities din ng Gandarrapiddo: The Revenger Squad, bitbit din niya ang paborito niya ngayong ‘laruan’, ang Gigil Kid na si Carlo Mendoza.

Pero teka, palalamang din ba si Bossing Vic Sotto? Hindi lamang one but two naman ang batang itinuturing niyang magdadala ng suwerte sa entry naman niyang Meant To Beh – ang cute na si Baby Baste at ang baby naman nila ni Pauleen Luna na si Talitha na laging niyang ipinagmamalaki.

Totoo naman, dahil ang Pasko ay para sa mga bata, kaya dapat lang na isa sa mga selling factors ito ng kahit anumang entries sa MMFF. Sabi nga kasi, basta may bata, masaya ang buhay at may hatak sa manonood, huh!