Una sa Balita

Pasasalamat

0 658

Sadyang nakatataba ng puso ang init ng pagsalubong at pagtanggap ng ating mga kababayan kay Senador Bong Revilla. Anuman kasing dako ng bansa ay tila lalo pang sumiklab ang apoy ng pagmamalaskit at pagmamahal ng mga Pilipino para sa kanilang number one senator. Sa ‘Pasasalamat Caravan’ na ginagawa ni Senator Bong, parami ng parami ang mga sumasalubong sa kanya.

Mula kasi nang hatulang ‘Not Guilty’ ng Sandiganbayan si Senador Bong Revilla, hindi na siya tumigil sa pagpapasalamat sa lahat ng mga nagdasal at nanalangin, at mga ‘di-nagmaliw sa pagsuporta sa kanya sa loob ng halos limang taon niyang pagkakapiit. Dahilan ito para iparating namin ang walang-sawang pasasalamat, kaakibat ang patuloy nating tipan ng pagtutulungan at pagkakaisa laban sa kahirapan, laban sa mga nanggigipit at nang-aapi, laban sa kaguluhan at krimen, laban sa droga, para sa ikauunlad ng bansa.

 Nawa ay hindi magbago ang inyong pagtingin sa kanya. Sa ngalan ng Katotohahan at Pagmamahal sa Bayan, Tuloy ang Laban!

 Party-List

 Isang ‘novel’ na probisyon sa Saligang Batas ng Pilipinas ang pagkakaroon ng mga Party-List Representatives sa Kongreso. Bilang isang mambabatas sa kaunahang pagkakaton, nakita natin ang papel na ginagampanan ng mga Party-List na ito.

 Isa sa nakatulong sa Kongreso para itulak ang mga mahahalagang batas ang 1-PACMAN. Liban sa mga programang ipinatutupad nito sa buong bansa para sa ikabubuti ng mga hikahos nating kababayan, malaki rin ang ginampanang papel ng 1-PACMAN para maisabatas ang mga mahahalagang programa tulad ng Libreng Kolehiyo at National ID, at marami pang iba.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy