PASAHERO NAHULIHAN NG MGA BALA SA NAIA

By

Pinigil ng mga tauhan ng mga security officers ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4 ang isang babaeng pasahero patungo sa lalawigan ng Bohol makaraang magdala ito ng dalawang rounds ng bala ng .45 caliber kahapon ng umaga.

Base sa ulat na natanggap ng Media Affairs Division (MAD) ng NAIA, ang paalis na pasahero ng Air Asia flight Z2 354 ay nakilalang si Ms. Rhodora Vargas na patungo ng Tagbilaran, Bohol.

Ayon sa ulat, si Vargas ay sinita ng mga tauhan ng Office of Transportation Security (OTS) on-duty na sina SSO Ruben D. Chua, SSO Christine Pau D. Mendoza, SSO supervisor Adonis T. Marcilla at Airport police on duty APO1 Aquino nang makita ang dalawang round ng bala sa hand carried luggage nito sa initial screening checkpoint ng NAIA terminal 4.

Sa isinagawang paginspeksiyon ni SSO Chua sa dalang kulay brown sling bag ni Vargas nakita sa loob ang dalawang rounds ng bala ng caliber 45.

Ang mga balang dala ni Vargas ay kinum­piska ng mga awtoridad at matapos ang isinagawang dokumentasyon, pina­yagan si Vargas na makasakay sa kanyang flight patungong Bohol.

SHARE