Una sa Balita

Pasahero nagtalunan sa eroplano

0 78

SYDNEY — Nagtalunan ang mga pasahero mula sa isang eroplano sa lokal na airport sa bansang Australia matapos makita ang sulat ng pagbabanta, na lumabas na isang hoax, na natagpuan sa loob ng banyo, isang araw matapos maganap ang pang-aatake sa Melbourne na sinasabing kagagawan ng terorista.

“Nothing was found, there was no actual threat to anybody, just a note, so there was nothing in it,” ayon sa isang police spokeswoman na tumangging magpakilala.

Ayon sa pulis, ang 68-passenger turboprop plane na may lulang 42 pasahero para sa isang domestic flight ay inilikas sa airport sa Albury, Southern New South Wales, at inaresto ang isang lalaki.

Nag-panic umano ang mga pasahero nang may nagsisigaw : “Leave your luggage. Get out and run, run, run.” Kaya nagtalunan umano ang mga pasahero sa tarmac.

Samantala, inamin ng Islamic State group ang res­ponsibilidad sa pangho-hostage sa isang babae sa isang Melbourne apartment kung saan tatlong pulis ang nasaktan sa naganap na barilan.

Napatay naman ng mga pulis ang suspek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy