Una sa Balita

Pasahero hinigop ng bintana ng eroplano, patay

0 1,454

Isang pasahero ng Dallas-bound Southwest Airlines ang nasawi nitong Martes matapos mabasag ang katabing bintana at higupin ang katawan nito habang nasa himpapawid.

Sa inisyal na imbestigasyon ng National Transportation Safety Board, natanggal ang isang blade ng makina ng Boeing 737-700 at maaaring tumama ito sa bintana na siyang naging dahilan ng pagkabasag nito.

Hinila pa ng mga pasahero ang katawan ng biktimang si Jennifer Riordan, 43, subalit kahit naibalik ito sa upuan ay binawian din ito ng buhay.

Galing ng La Guardia airport sa New York ang erop­lanong may 149 pasahero na nag-emergency landing sa Philadelphia.

Lumilipad sa taas na 31,684 feet ang eroplano nang masira ang makina kaya’t agad na ibinaba ito ng piloto sa 10,000 sa loob lang ng limang minuto.

Nabatid na ang eroplano ay inispeksyon lang noong Abril 15 subalit hindi malinaw kung anong bahagi ng eroplano ang sinuri.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy