Una sa Balita

Pasahe sa taxi, itinaas

By
0 85

Inaprubahan kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon para sa pagtataas ng singil sa pasahe sa taxi.

Sa inilabas na desisyon ng LTFRB, pinayagan ang mga taxi na bumibiyahe sa Metro Manila at mga lalawigan, kabilang ang Cordillera Administrative Region, na maningil ng P13.50 kada kilometro ng distansyang tinakbo at P2 kada minuto sa travel time mula sa pinanggalingan ng pasahero patungo sa destinasyon nito.

Inaprubahan din ng LTFRB na maging P40 na ang flag-down rate ng mga taxi mula sa dating P30.

Ang petisyon para sa taas-pasahe ng mga taxi ay nag-ugat sa P10 rollback noong 2015 kung saan ibinaba ang flag-down rate ng mga taxi sa P30. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy