Una sa Balita

Pasahe sa Grab pinababantayan ng PCC

By
0 240

KUMUHA ang Philippine Competition Commission ng magmo-monitor at magsasagawa ng audit sa pagsunod ng Grab Philippines sa mga kondisyong inilatag nito nang bilhin ang Uber.

Sabi ng PCC, kinuha nito ang Smith & Williamson bilang independent 3rd party monitor trustee para bantayan ang pagsunod ng Grab sa mga alituntu­ning itinakda ng komisyon sa loob ng 12-buwan.

Ang Smith & Williamson ang napili ng PCC dahil sa expertise nito tungkol sa competition cases kasama na ang pagmo-monitor nito sa pagsunod ng ­kondisyones na inilagay ng mga opisyal sa Singapore para din sa Grab at Uber.

Sabi ng PCC, masu­gid ang pagbabantay nito sa Grab na maaaring mapagmulta ng hanggang P2 milyon sa bawat paglabag ng mga kondis­yones na naitakda.

Babantayan ng Smith & Williamson kung susunod ang Grab sa commitment decision ng PCC na inilabas noong Agosto 10 kasama na ang service quality commitment na tutukoy sa acceptance at cancellation rates, ang fare transparency kung saan ilalagay sa resibo ang breakdown ng singil mula sa distansiya, fare surges, discounts, per minute waiting charge at iba pa.

Babantayan din ng Smith & Williamson kung may mala­king pagkakaiba ang mga presyo ng pasahe dito. Ang multa rito ay nasa 5% ng commission ng Grab o hanggang P2 milyon. Kailangan ding tanggalin na ang ‘see destination feature’ sa mga tsuper nitong mababa ang acceptance rate para hindi nito matatanggihan ang pasahero dahil lang sa destinasyon nito.

Bawal din sa Grab na pilitin na exclusive lang sa kanila ang dri­ver para makapagmaneho din sila sa ibang transport network companies.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy