Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pasado: Coppermask, may kakayanang pumuksa ng coronaviruses

0 38

Napatunayan ng isang laboratory testing center sa Shanghai na epektibo ang CopperMask laban sa coronaviruses. Ayon sa pag-aaral, kaya nitong puksain ang 99% ng coronaviruses sa loob ng 2 oras.

Sumailalim sa metikolosong pagsusuri ang Antimicrobial Film ng Copper Mask sa Shanghai WEIPU Chemical Technology Service Co., Ltd. – isang ILAC-MRA/CNAS (base sa ISO standards) certified testing laboratory sa Shanghai, China. Dito natuklasan ang kakayahan ng produktong makapuksa ng coronaviruses.

GX-P2V (Guanxu Pngolin Coronavirus) ang ginamit para sa testing. Malapit ang strain na ito sa COVID-19 virus, dahil 92.2% ang structure resemblance ng dalawa. Ito rin ang ginagamit para mag-test ng ilang bakuna.

Kumpirmado sa test na pinapahina ng CopperMask Antimicrobial Film ang activity rate ng coronaviruses. 99.07% effective ito pagkatapos ng incubation period na dalawang oras. May mga pag-aaral ding ginagawa ang independent testing facilities sa China at Korea, para siguraduhing epektibo ang produkto sa common bacteria. Ayon dito:
● Napipigilan ng CopperMask ang 99.99% ng common bacteria at viruses
● Napapatay nito ang 99.99% ng common bacteria
● Walang delikadong kemikal at heavy metals ang CopperMask

Lifestyle facial mask ang CopperMask. Pasok ito sa uso dahil sa gara ng design at iba’t ibang kulay. Pinakamainam itong gamitin sa pang araw-araw na gawain. Hindi ito dapat ginagamit sa mga medical facility at ospital, kung saan kinakailangan ang propesyonal na medical gear.

Leave A Reply

Your email address will not be published.