Una sa Balita

‘Pasabog’ ni Marjorie supot, naunahan nina Greta, Atong: Julia tuluyang sasadsad ang career

0 2,255

Ceasefire muna sa away kina Gretchen at Claudine Barretto ang mag-inang Julia at Marjorie Barretto para bigyang-daan ang pagbati nila sa kaarawan ni Dani Barretto.

Si Dani ang panganay na anak ni Marjorie sa una niyang kasintahan na si Kier Legaspi. Sa post ng mag-inang Julia at Marjorie, larawan muna nila na kasama si Dani ang pinagkaabalahan nilang i-post at hindi ang makipagbakbakan muli laban kina Greta at Claudine.

Sa post ni Julia, hindi nagpatutsada ang Kapamilya actress laban sa kanyang tiyahing si Gretchen sa tirada ng huli sa kanya. At sa halip, isinentro nito ang kanyang mensahe sa pagiging proud nito sa kanyang Ate Dani at sa narating nito sa buhay.

Anyway, naghihintay na ang mga netizen sa pangakong pasabog ni Marjorie, sa katotohanang sinasabi niya na hawak niya laban kay Gretchen.

Sinasabi ng marami na nakaapekto sa tapang at patutsada ni Marjorie ang official statement ni Atong Ang na naglilinaw sa pagkakasangkot nito sa away ng magkakapatid.

Kumbaga, sunog, basag ang pagkatao ni Marjorie sa pasabog ni La Greta at Atong Ang.

Anyway, marami naman ang nag-aalala na baka tuluyan na ngang sumadsad ang career ni Julia.

Pero kahapon ay nagsimula na si Julia ng bagong project kasama si Tony Labrusca. At alam ko para sa iWant ‘yon, ha! (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy