Una sa Balita

Pasabog ni Cone, Ginebra nalango

By
0 898

SIMPLE lang ang paliwanag ni coach Tim Cone kung bakit isi­nurender ng Ginebra ang 109-100 win sa Rain or Shine sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup semifinals sa Smart Araneta Coliseum noong Huwebes.

“We just tried to win the game by shooting threes that didn’t go in down the stretch,” anang two-time grand slam coach. “Theirs did, ours didn’t.”

Mula sa labas ng arc ay 12 for 36 ang Gins, huli ang long bomb ni Jeff Chan na nagbigay sa kanila ng lead 100-97 sa 3:25 mark. Pero mula roon ay 0 for 5 na sila sa field.

Humarabas naman ng 12 points sa stretch ang Elasto Painters, 15 for 37 sa long range at ang huling dalawa ay ang back-to-back 3s nina Reggie Johnson at James Yap para sa 107-100 lead, 68 seconds na lang.

Balik sa dra­wing board si Cone para pag-aralan kung paano babasagin ang pagkakabuhol sa 1-1 sa pagpapatuloy ng bakbakan sa Game 3 mamaya sa MOA Arena.

“We gotta give them credit, they hit big shots at the right time,” dagdag ni Cone. “Some of them made threes that are very, very deep threes.” ()