Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pasabog kanta, sayaw: Julie Anne, Darren kabugan sa Twitter

0 36

Parehong live ang All Out Sunday ng GMA at ASAP Natin To ng Kapamilya channel (napapanood sa TV5).

At sa Twitter, bakbakan nga sina Darren Espanto (ASA) at Julie Anne San Jose (AOS), ha! Kanya-kanyang paandar ang mga fan nila, para manguna sa trending.

Sa unang salto, panalong-panalo si Julie Anne dahil sa bonggang production number niya, na animo nag-concert talaga siya.

“The bar is too high when you stand Julie Anne San Jose!” sabi ng fan na si MJ.

“Best way to open the show!” hirit naman ng iba pang netizen.

“The Queen is back!” sigaw ng mga fan ni Julie.

At yes, si Julie Anne nga raw ang kaisa-isang Kapuso na tuwing Linggo ay nagti-trending ang ginagawa.

Sa kabilang banda, kabog kung kabog din ang performance ni Darren, na ibang-iba na talaga siya. Burado na nga ang image niya na parang bata na tili nang tili habang kumakanta dahil sa taas ng kanyang boses.

Lutang na lutang ang kakisigan ni Darren ngayon, na nakapagpapatakam sa mga fan niya. May pa-braso, pati sa pagsayaw, may paggiling, pagkadyot pa. Kaya sobrang nag-init ang mga fan ni Darren.

Well, parehong mahusay sina Darren at Julie Anne sa performance nila sa kanilang mga show. Kaya dapat lang na mag-trending talaga sila sa Twitter. For me, pareho silang panalo! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.