Una sa Balita

Parusa sa 214 drug offenders binabaan ni Obama

By
0 184

Iniutos ni US President Barack Obama ang pagpapababa sa parusang ipinataw sa 214 drug offenders.

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, maitutu­ring ang hakbang na ito ni Obama bilang pinakama­laking ibinigay na presidential clemency sa loob ng halos higit isang siglo.

Sa kasalukuyan ay nasa kabuuang 562 commutations na ang ipinagkaloob ni Obama sa loob ng pa­nunungkulan nito na pinakamarami kung ikukumpara sa siyam na nakalipas na pangulo ng US.

Sinabi ng White House na pinapatawad na umano ni Obama ang bagong grupo ng mga bilanggo, kabilang na ang 67 na matagal nang pinagsisilbihan ang ipinataw sa kanila na life sentences.

Ang hakbang na ito ni Obama ay kaugnay sa kanyang hangarin na itulak ang criminal justice reform sa Amerika.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More