Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Parusa imbes ginhawa sa C-6

0 128

Sa halip na ginhawa, parusa ang dinaranas ng mga motoristang galing ng Parañaque, Muntinlupa at iba pang bahagi ng Southern Luzon na gustong mapabilis ang biyahe nang hindi na dumadaan sa C -5 patungo sa Quezon City at Rizal.

Bagama’t may katagalan na kasing tapos ang Highway 2000 na kilala rin sa pangalang c-6, hindi pa rin ito madaanan ng mahinusay pagdating sa bayan ng Taytay, Rizal.

Ang kahabaan ng C-6 ay sumasakop ng northbound exit ng South Luzon Expressway sa Bicutan patungo sa bayan ng Taytay, Rizal at kung ang dalawang lugar lamang ang pagbabatayan, mahigit sampung kilometro ang sinasakop nito.

Kung maayos sanang nadadaanan, makikinabang din sa kalsadang ito ang patungo sa Eastern Bulacan nang hindi na nakikipagsiksikan sa EDSA, nguso ng Commonwealth Avenue at hindi na aabot sa Balintawak o Mindanao entry ng NLEX.

Kaya lamang, talagang napakalaking problema pa rin sa motorista ang dulot ng bahagi nito sa Taytay, Rizal lalo sa intersection pagkababa ng bagong tulay sa bunga ng Henares Boulevard.

Apat ang direksiyon ng traffic light sa nabanggit na lugar kaya naiipon ang mga sasakyan sa bahaging naka-red light bago pa man dumating ang kanilang toka ng “go”.

Dalawang beses ko nang nasubukan ang nabanggit na lansangan, ang una ay mula Taguig patungo sa Taytay at nitong nakaraang weekend lamang ay tinira ko ang mula palengke ng Taytay pabalik sa northbound lane ng Bicutan entry ng SLEX at parehong sablay ang naging biyahe ko.

Noong una, medyo naunawaan ko pa ang situwasyon dahil nakikipagsabayan sa amin ang mga malalaking trak na naghahakot ng mga graba at iba materyales sa mga hindi pa natatapos na bahagi ng kalsada.

Pero nitong huling daan ko ay talagang gumamit ako ng mas mahabang pasensiya gaya na rin siguro ng mga nakasabayan ko dahil mula lamang Taytay market hanggang sa makalagpas ng tulay na aking binabanggit ay inabot kami ng isang oras, take note me umiiral pa na quarantine yan.

Isa siguro sa solusyon sa problemang ito ay ang pagtatayo ng flyover sa ibabaw ng Henares Boulevard sa kahabaan ng Highway 2000 upang magtuloy tuloy lamang ang dalawang direksiyon ng trapiko.

Medyo hindi rin kasi mainam ang underpass o tunnel dahil ang lugar ay malapit na malapit na sa Laguna Lake na maaring maging dahilan ng pagkadisaril nito sa mga sandaling nagsasasama ang panahon.

Kung wala sanang problema sa naturang lugar ay maraming magpapasalamat sa mga taga-Taytay dahil makakaiwas sila sa pagbayad ng toll fee sa tinapos na ring Skyway.

Sa ngayon, ang tanging nakikinabang sa naturang kalsada base sa ititiis sa pila ng trapiko ay ang mismong mga taga-Taytay at Taguig-Bicutan lamang.

Ayos ba?

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.