Una sa Balita

Partylist groups tagilid na

By , ,
0 152

Habang tumatagal at habang umiinit ang usapin kung bubuwagin na ba ang partylist system sa Kamara, lalo namang lumalakas ang suporta sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sentensyahan na ito.

“Ang napansin ko so far ano, nu’ng nakikinig ako sa mga reaksyon ng taumbayan eh talagang pabor sila doon sa pagbuwag nu’ng partylist,” pahayag ni House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez sa panayam kahapon.

Mismong ang mga tao ay nakita na, “Yung representation ng marginalized sector na gusto ng ating Saligang Batas ay hindi na talaga nasusunod.”

Sa Senado, buo ang suporta ni Sen. Panfilo Lacson sa nais mangyari ng Pangulo. “I agree with the president, it’s about time we abolish the party list system,” ani Lacson.

Si House majority lea­der Rodolfo Fariñas, aminado na ginagamit na lang ang partylist system para makaupo ang mga magkakamag-anak sa Kongreso at ang mga maiimpluwensya at may pera kaya sang-ayon siya na lusawin na ito at isabay sa Charter change (ChaCha) ang naturang hakbang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More