Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Party-party kahit ECQ: Pamilya sa Navotas kinasuhan

0 497

Nagsampa ng kaso ang mga pulis laban sa isang pamilya sa Navotas City matapos magdaos ng birthday party kahit umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, kabuuang 17 na indibiduwal kabilang ang mga bisita ang nahaharap sa mga kasong paglabag sa Revised Penal Code at Omnibus Guidelines on the Implementation of the Community Quarantine.

Ito’y matapos 14 sa kanila ang na-test na positibo ng coronavirus disease na nagresulta ng dalawang linggong lockdown sa isang kalye sa lungsod.

“The family’s utter disregard of safety regulations endangered their lives and all those living at H. Monroy,” wika ng alkalde.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.