Una sa Balita

Party ni Messi na-‘gaka’ ni Halldorsson ng Iceland

By
0 1,650

Handa na ang party ni Lionel Messi, pero nadiskaril dahil kay Hannes Halldorsson.

Si Halldorsson ang hindi halos kilalang goalkeeper ng Iceland na nambutata sa pampanalo sanang penalty kick ni Messi ng Argentina.

Nagawa ni Halldorsson ang kanyang homework.

Pero kahit nagmintis si Messi sa 64th minute sa Spartak Stadium sa Moscow, hindi lumabas na luhaan ang Argentina na naka-salvage pa rin ng 1-1 draw kontra Iceland sa game opener nila sa 2018 World Cup nitong Sabado.

Kaya lang, mas nakakabilib ang tapang ng World Cup newcomer Iceland na nakipagsabayan sa mas liyamadong Argentines.

Pang-apat na sablay iyon ni Messi sa huling pitong ikinasang penalty attempts para sa kanyang football club Barcelona at sa Argentina.

Tabla ang iskor, naikasa ang posibleng panalo ng Argentina nang mabigyan ng penalty matapos suyurin ni Horsur Magnusson si Sergio Aguero habang nag-uunahan sa paghabol sa cross ni Messi.

Kalmadong pinakawalan ni Messi ang sipa patungo sa bandang kanan ni Halldorsson, pero mas determinado ang Iceland goalkeeper na nag-dive at dalawang kamay na dinamba ang bola.
“It hurt missing the penalty. It could have given us the lead and that could have changed the match,” ani Messi.

Bagito sa World Cup, pero bago hinarap si Messi at ang Argentina ay pinag-aralan daw ni Halldorsson ang tira ni Messi sa penalty.