Una sa Balita

Party-list system inabuso ng mayayaman — Digong

0 275

KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang party-list system sa bansa dahil sa sinasamantala ito ngayon ng mayayaman at makapangyarihan.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang patama sa oath-taking cere­mony ng mga bagong halal na opisyal ng gobyerno sa Cagayan de Oro City noong Miyerkoles nang gabi.

“The party-list system has been abused by the rich,” litanya ng Pangulo.
“The rich people fund the party-lists. They are named after laborers but the people behind it are the millionaires. So they stay in power there,” banat pa niya.

Unang pinatupad ang party-list system noong 1998 presidential election subalit sa paglipas ng panahon ay nahaluan na ito ng mayayamang mambabatas.

Sa ilalim ng Konstitusyon, 20% ng membership ng Kamara ay dapat manggaling sa party-list. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy