Una sa Balita

‘Party houses’ iba-ban ng Airbnb

0 458

IPAGBABAWAL ng ­Airbnb ang pagdaraos ng party sa mga inuupahang bahay matapos ang insidente ng mass shooting sa California na ikinamatay ng lima katao noong Huwebes

Sa tweet ni CEO ­Brian Chesky, ­binanggit nito na gagawa ng hakbang ang kompanya upang labanan ang mga hindi awtorisadong party at sipain ang mga abusadong guest at ­maging ang host.

“We must do ­better, and we will. This is ­unacceptable,” ayon kay Chesky.
Tatlong katao ang namatay sa loob ng ­bahay sa siyudad ng Orinda, malapit sa San Francisco, habang ­dalawa naman ang binawian ng ­buhay sa ospital.

Ang bahay ay inar­kilahan upang gamitin umano ng maliit na grupo, pero inanunsyo naman ng nagrenta sa Instagram na ito ang venue nila ng Halloween ­party kaya’t lumobo sa 100 katao ang bisita. Ayon sa Airbnb, hindi awtorisado ng host ang nasabing party.

Karamihan sa mga namatay ay wala pang 30 anyos. Hindi pa rin nadadakip ang mga ­suspek sa pamamaril.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy