Una sa Balita

Party drugs na galing Netherlands, nasabat ng Customs

By
0 412

NAGKAKAHALAGA ng P2.157 milyon ang mga ecstasy tablet na nasamsam sa Central Mail Exchange Center (CMEC) ng mga opisyal ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na na-turn over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon.

Ayon kay NAIA-Customs Port Collector Carmelita Talusan, ang 1,269 pirasong ecstasy tablet na kilalang ‘party drug’ ay dumating sa bansa mula sa Netherlands at ipinadala ng isang G. Voorthuzen at idineklarang ‘light box’ ang package.

Matapos ang isinagawang eksaminasyon sa package ng Customs officer sa CMEC, nakita ang tatlong selyadong plastic bag at napatunayan sa isinagawang laboratory test ng PDEA na ito ay mga illegal drug.

May hinala ang mga awtoridad na maaring ito ay ‘trial shipment’ at kung makalusot ay maaaring tuloy-tuloy ang gagawing shipment papasok sa bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More