Una sa Balita

Party drug supplier kalaboso

By
0 721

Kulungan ang bagsak ng isang 40-anyos na lalaki na kilala bilang supplier ng iligal na droga kabilang na ang mga party drug sa ikinasang drug buy-bust operation, kamakalawa nang gabi sa San Juan City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) director Senior Supt. Joel Bernabe Balba, nakilala ang suspek na si Ireneo Paraon III, alyas ‘Neo’, 40-anyos, at residente ng 246 Pasadena, Barangay Pasadena, San Juan City.

Ayon kay San Juan Police chief, Senior Supt. Bowenn Joey Masau­ding, naaresto si Paraon ng mga tauhan ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) sa kahabaan ng F. Santos corner N. Domingo Sts., Barangay Ermitano sa ikinasang buy-bust ope­ration bandang alas-7:20 Lunes nang gabi.

Matagal na umanong mino-monitor ng pulisya ang kilos ng suspek hanggang sa magposi­tibo sila nang umaktong buyer ang isang pulis at nakipagtransaksyon sa suspek na magbenta ng droga sa nasabing lugar.

Dumating ang suspek lulan ng Yamaha motor­cycle model 2018 na walang plaka at nang ibibigay na ang droga ay agad na inaresto si Paraon.
Nakumpiska mula kay Paraon ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu, P500 marked money at tatlong piraso ng plastic sachet na nag­lalaman ng mga ecstasy tablet.