Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Partnership inalok sa mga Lopez! ABS-CBN aampunin ng Villar TV

0 304

Inalok umano ng nangungunang bilyonaryo sa bansa na si dating Senate President Manny Villar ang pamilya Lopez ng partnership para sa muling pagbabalik sa ere ng ABS-CBN Broadcasting sa mga dati nitong channel.

Ayon sa ulat ng Bilyonaryo online news (www.bilyonaryo.com) may kinausap umano ang kampo ni Villar upang itulay sa mga Lopez kung interesado ang mga ito sa isang deal para makapagpalabas ng kanilang programa ang ABS-CBN sa Channel 2 (analog) at Channel 16 (digital).

Sinabi pa ng source na kabilang sa mga unang nakalawit ni Villar para sumama sa kanya ay sina game show host Willie Revillame na tapos na umano ang kontrata sa GMA Network at dating ABS-CBN President at COO Freddie Garcia.
Sasalang umano sa test program ang game show ni Revillame sa Pebrero 14.

Samantala, para maging masigla at kaabang-abang ang kanilang mga programa, target din umanong bingwitin ni Villar ang star maker na si Direk Johnny Manahan, gayundin ang ibang talent at producer ng DOS upang muling mabuo ang Kapamilya vibes.

Simula nang mabigo silang makakuha ng bagong prangkisa at mawala sa ere noong 2020, nakipagkontrata sa blocktime deal ang ABS-CBN sa TV5 ng bil¬yonaryo rin na si Manny V. Pangilinan at A2Z Channel 11 ni Jesus is Lord founder Brother Eddie Villanueva.

Marami rin umano ang naghangad na makuha ang prangkisa ng ABS-CBN pero ipinagkaloob ito kay Villar na kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte nang kumandidato itong presidente noong 2016. (Mia Billones/Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.